MMFF Auditorium opisyal na binuksan ng MMDA
Bilang suporta at pagkilala sa lindustriya ng lokal na pelikula sa pamamagitan ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF), pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang MMFF Auditorium na magsisilbing venue para sa selebrasyon at promosyon ng mga talentado at malikhaing artistang Pilipino.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman at MMFF Over-all Chairman Atty. Don Artes na ang MMDA ay malakas na nangangako sa pagbibigay ng hindi matatawarang suporra sa mga plano at programa ng MMFF para sa benepisyo ng movie at entertainment industry.
“This is a milestone for the MMFF, a fitting tribute to its almost five-decade success which greatly contributes to Philippine cinema, producing films that have been recognized not just in our country but also internationally,” sabi ni Atty. Artes.
Matatagpuan ang MMFF Auditorium sa ikalimang palapag ng bagong MMDA Head Office sa Pasig City, na nakadisenyo tulad bg karaniwang movir house na may malaking screen at 152 na kumportableng theater seats.
Ang pasilidad ay gagamitin sa iba’t ibang kaganapan para sa film festival.
“Through the MMFF Auditorium, we aim to honor the invaluable contributions of Filipino filmmakers and recognize the significance of Philippine cinema in the overall cultural developmental effort for the country,” dugtong nito.
Kabilang sa MMFF Stars na sina Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Derek Ramsey, Alden Richards, Eugene Dominguez, Enchong Dee, Alessandra de Rossi, Kylie Versoza at Christian Bables ang nanguna sa pagbubukas ng MMFF Auditorium.
Malugod na bumati si Pasig City Mayor Vico Sotto sa MMDA sa pagtatayo ng MMDA Auditorium bilang pagkilala sa ambag ng ahensiya sa tagumpay ng industriya ng sinehan sa bansa.
Samantala,ipinahayag ni Artes ang kanyang kumpiyansa sa ika- 49 na edisyon ng MMFF ay magtatakda ng bagong record na may kasamang malawak na mga kategorya at inanyayahan ang publiko na panoorin ang lahat ng 10 na pelikula at suportahan ang festival na malking bahagi ng tradisyunal na kapaskuhan ng maraming pamilyang Pilipino.
Ang sampung pelikula ay ang “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo” na ipapalabas sa mga sinehan sa banda mula December 25 hanggang January 7,2024.
Sa panahon ng film festival, walang banyagang pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan at teatro upang itampok ang mga likhang lokal na pelikula.
Ang MMFF ay inorganisa ng MMDA na layuning pangunahing ipakilala at mapabuti ang preserbasyon ng sinehan sa Pilipinas.
Ngayong taon ang MMFF ay nakipagpartner sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang kita mula sa MMFF ay mapupunta sa mga benepisyaryo ng film industry gaya ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at ng Film Development Council of the Philippines. (Bhelle Gamboa)