Programa para sa kapakanan ng mga magreretirong empleyado ng Monde Nissin tiniyak

Programa para sa kapakanan ng mga magreretirong empleyado ng Monde Nissin tiniyak

Nilagdaan ngayong December 13 sa pagitan ng Monde Nissin, Department of Trade and Industry – Philippine Trade Training Center (DTI-PTTC) at ng Ateneo de Manila University ang dalawang Memoranda of Understanding (MOUs) para sa pagsisimula ng iba’t ibang programa sa komunidad.

Ang simpleng seremonya ng MOUs signing ay ginanap sa DTI – Office of the Philippine Trade Training Center (PTTC) sa International Trade Center Complex, Roxas Boulevard panulukan ng Senator Gil J. Puyat Avenue, Pasay City dakong alas-10:00 ng umaga.

Kasabay nito inilunsad ng Monde Nissin sa pakikipagtulungan ng DTI-PTTC ang
Monde Nissin University – School of Lifelong Learning, na naglalayong pagkalooban ang magreretirong empleyado ng kinakailangang financial skills upang pag-aralan ang entrepreneurship para sa kanilang pagreretiro o retirement.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng serye ng lektura at workshops upang makasabay at makalikha ng kumpiyansiya sa mga interesadong entrepreneurial employees.

Unang makikinabang sa programa rito ang mga magreretiro pa lang at retiradong empleyado ng Monde Nissin at posibleng palawakin ito mula sa iba pang pribadong kumpanya at mga ahensiya ng pamahalaan.

Nakatakdang buksan din ng Monde Nissin ang employee-training programs nito sa pakikipagtulungan ng Ateneo de Manila na nakadisenyo sa pagpapatupad, pagpapabuti ng leadership skills, at paglinang sa mga leaders sa hinaharap mula sa Monde Nissin organization.

Ang kolaborasyon ay sumasalamin sa pangako ng Monde Nissin ng positibong pagbabago sa komunidad at isulong ang pagpapanatili sa gawain sa mundo ng korporasyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *