2024 contingency plans ng mga ahensiya ng pamahalaan tinalakay sa full council meeting ng MMDA at MMDRRMC

2024 contingency plans ng mga ahensiya ng pamahalaan tinalakay sa full council meeting ng MMDA at MMDRRMC

Tinalakay ngayong December 13, ang mga contingency plans ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa taong 2024 sa isinagawang full council meeting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni MMDA Acting Chairman at concurrent MMDRRMC Chairperson Atty. Don Artes, kasama sina MMDRRMC Senior Vice Chairperson at Office of Civil Defense – NCR Regional Director Romulo Cabantac Jr., at MMDA Public Safety Division head Atty. Crisanto C. Saruca, Jr.

Pinag-usapan sa council meeting ang nakaambang krisis sa tubig base sa El NiƱo forecast ng PAGASA at ang pagkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga water concessionaires at local government units (LGUs) na tinalakay ang mga contingency plans para maiwasan ang water crisis.

Maliban dito, nabanggit din na ang Metro Manila Shake Drill ay gaganapin sa Hulyo 2024. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *