Daan-daang kilo ng kamatis itinatapon na lang ng mga magsasaka dahil hindi mabenta
Daan-daang kilo ng kamatis ang nasasayang at itinatapon na lamang ng mga magsasaka sa Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya dahil sa over supply.
Ayon sa Rural Rising Philippines, araw-araw ay may itinatapong kamatis.
Noon lamang araw ng Martes, Dec. 5 sinabi ng Rural Rising PH na umabot sa mahigit 200,000 kilos ng kamatis ang nasayang.
Dahil dito, naglunsad ng “Tomato Rescue” ang Rural Rising PH para matulungan ang mga Tomato Farmers mula sa Tinoc, Ifugao, Kabayan at Atoc, Benguet at Dupax Del Norte sa Nueva Vizcaya.
Sa halagang P349 ay maaaring makabili ng 10 kilo ng kamatis.
Bisitahin lamang ang Facebook page ng Rural Rising Philippines para malaman kung paanong makabibili. (DDC)