Mahigit P9.3M na halaga ng humanitarian assistance naipagkaloob na sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur
Umabot na sa P9.3 milyon na halaga ng humanitarian assistance na ang naipagkaloob sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol ng Surigao del Sur.
Sa datos na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), 137,902 na pamilyang apektado ng lindol sa lalawigan ang napagkalooban ng nasabing tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), LOcal Government Units (LGUs) at NGOs.
Katumbas ito ng mahigit 548,000 na katao mula sa 319 na mga apektadong barangay.
Sa ngayon mayroon pang 94 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center.
Mayroon pang P2.8 bilyon na na halaga ng relief resources at P86 milyong quick response fund ang DSWD kung sakaling kailanganin ng mga biktima at para na rin sa mga posible pang sakuna. (DDC)