Magnitude 4.1 at 4.5 na lindol magkasunod na tumama sa Surigao de Sur
Nagkapagtala ng may kalakasang pagyanig sa Surigao del Sur umaga ng Miyerkules (Dec. 6).
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.1 sa layong 43 kilometers southeast ng Cagwait, Surigao del Sur, 7:34 ng umaga.
1 kilometer ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Nasundan ito ng magnitude 4.5 na lindol sa 50 kilometers northeast ng Hinatuan, Surigao de Sur, 7:39 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, bahagi ito ng aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa lalawigan noong Dec. 2. (DDC)