COVID-19 recoveries sa Quezon City, nasa 23,935 na
Nakapagtala pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Batay sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,413 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Huwebes (Dec. 3).
Ang nasabing bilang ng kaso ay naisailalim na sa validation ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 752 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
23,935 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 726 o tatlong porsyento ang nasawi.