Bagong strike force ng MMDA nagsagawa ng operasyon sa Mabuhay Lanes

Bagong strike force ng MMDA nagsagawa ng operasyon sa Mabuhay Lanes

Naglunsad ang bagong buong strike force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng sidewalk at road clearing operations sa Mabuhay Lanes sa Quezon City.

Sa nasabing operasyon, ipinakalat ang mahigit 100 tauhan ng strike force laban sa mga sasakyang ilegal na nakaparada sa lansangan.

Ang operasyon ay bahagi ng paglilinis ng Mabuhay Lanes para matiyak na hindi naaabala ang daloy ng traffic sa nasabing ruta.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, dapat ay passable ang lahat ng ruta na sakop ng Mabuhay Lanes.

Ang ilegal na pagparada sa Mabuhay Lanes ay may karampatang multa P1000, habang ang unattended illegally parked vehicles ay P2000 ang multa.

Hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Nov. 30 ay umabot na sa 166 ang nahuli at naisyuhan ng tiket, habang 9 na sasakyan ang nahatak. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *