Kiddie bouncy at squeaky plastic toys nagtataglay ng kemikal ayon sa BAN Toxics

Kiddie bouncy at squeaky plastic toys nagtataglay ng kemikal ayon sa BAN Toxics

Ngayong nalalapit ang Pasko at marami ang inaasahang bibili ng regalo para sa mga bata, nagbabala sa publiko ang grupong BAN Toxics hinggil sa pagbili ng mga laruang nagtataglay ng kemikal.

Ayon sa toxic watchdog group, kadalasang ginagamitan ng chlorinated paraffins ang plastik na ginagamit sa mga laruan.

At base sa pag-aaral, maaari itong magdulot ng liver at kidney damage, pagkasira ng endocrine system, cancer risks, developmental brain impairments, at banta sa reproductive health.

Sa isinagawang market surveillance ng BT Patrollers sa Baclaran, Pasay City natuklasan na naglipana sa merkado ang ang mga laruan na delikado sa kalusugan dahil sa taglay na kemikal.

Ang mga bouncy toy ay ibinebenta sa halagang P300 hanggang P350, habang ang plastic toys ay P60 hanggang P150.

“The manufacture, sale, and use of these toxic chemicals in plastic toys should be prohibited in the Philippine market since it is already banned under the Stockholm Convention to prevent potential health risks to children,” ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.

Kaugnay nito ay nanawagan si Dizon sa Food and Drug Administration at sa Department of Environment and Natural Resources na gumawa ng hakbang para mapigilan ang paggamit ng Chlorinated Paraffins sa mga plastic toys.

Sinabi ni Dizon na bilang isa sa mga lumagda sa Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutants (POPs) mandato ng gobyerno na sugpuin, ang produksyon, paggamit at pagbebenta ng mga nasa listahan ng POP chemicals. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *