Mahigit 24 million na sasakyan sa bansa, posibleng hindi rehistrado ayon sa LTO
Aasahan na mas lalo pang maghihigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy.
Ito ay para mahuli ang mga motoristang gumagamit ng hindi rehistradong sasakyan.
Ayon kasi sa datos ng LTO, mayroong mahigit 24 milyon sa 38 milyong sasakyan sa bansa ang “unaccounted” o hindi rehistrado.
Sa sandaling mahuli na gumagamit ng hindi rehistradong sasakyan, ang motorista ay maaaring mapatawan ng P10,000 halaga ng multa.
Maaari ding ma-impound ang hindi rehistradong sasakyan. (DDC)