DSWD Sec. Rex Gatchalian namahagi ng family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Northern Samar
Ipinamahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian ang 1,10 na family food packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Polangi, Catarman sa Northern Samar.
Kasama ni Gatchalian na nagtungo sa Northern Samar si DSWD Undersecretary for Disaster Response and Management Group Diana Rose Cajipe.
Dumalo din sa distribution activity si Northern Samar Governor Edwin Marino Ongchuan at Congressman Paul Daza.
Bago ito ay nakipagpulong si Gatchalian kina Ongchuan at Daza para talakayin ang nagpapatuloy na relief operations sa mga apektadong pamilya.
Siniguro ng kalihim sa mga apektadong lugar na may sapat na pondo at sapat din ang stockpiles ng ahensya para matulungan ang mga naapektuhan ng pagbaha. (DDC)