MMDA nagpadala ng humanitarian contigent sa Nothern Samar at Eastern Samar
Nagpadala ng 40-man contingent ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Northern Samar at Eastern Samar sa Visayas matapos makaranas ng pagbaha doon dulot ng shear line at Low Pressure Area (LPA).
Ang contingent ay binubuo ng mga tauhan mula sa Public Safety Division at Road Emergency Group na hahatiin sa dalawang grupo para sa dalawang lalawigan.
Naatasan ang dalawang grupo na magsagawa ng humanitarian at relief operations sa mga apektadong lugar.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, bawat grupo ay may dalang 30 units ng solar-powered water purification systems.
Bawat isa nito ay kayang magsala ng 180 gallons ng tubig kada oras.
Mananatili sa dalawang probinsya ang MMDA contigent hangga’t kinakailangan ang kanilang tulong. (DDC)