42 pang OFWs mula Israel nakauwi na ng bansa

42 pang OFWs mula Israel nakauwi na ng bansa

Dumating sa bansa ang 42 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) galing ng Israel.

Personal na sinalubong ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac ang bagong batch ng mga umuwing OFW na dumating sa NAIA Terminal 3.

Sa 42 umuwing OFWs, 30 ay pawang hotel workers habang 12 naman ang caregivers.

May kasama ding nakauwi na limang mga bata.

Ang mga umuwing OFW ay tumanggap ng P50,000 na tulong-pinansyal mula sa DMW, comprehensive reintegration assistance at job facilitation services para matulungan silang makahanap ng bagong trabaho.

Mula sa financial assistance na galing ng DMW, tumanggap din sila ng P50,000 mula sa OWWA, P20,000 na livelihood assistance mula sa DSWD, at P5,000 mula sa TESDA.

Sa huling datos ng DMW, umabot na sa 299 OFWs mula Israel ang ligtas na nakabalik ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *