Mahigit 59,000 pamilya, apektado ng pagbaha dulot ng shear line at LPA sa Eastern Visayas

Mahigit 59,000 pamilya, apektado ng pagbaha dulot ng shear line at LPA sa Eastern Visayas

Umabot sa mahigit 256,000 na katao o katumbas ng mahigit 59,000 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Western Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Northern Samar at Biliran.

Base ito sa progress report na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Eastern Visayas.

Ayon sa DSWD, mayroong mahigit 25,000 na katao ang nananatili pansamantala sa mga evacuation center.

Nakapaglaan naman na ang ahensya ng mahigit P3.4 million na humanitarian assistance sa mga apektadong pamilya.

Mayroon ding available relief resources na nagkakahalaga ng mahigit P166 million.

Ayon sa DSWD, patuloy na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga LGU na naapektuhan ng Low Pressure Area at Shear Line.

Nakahanda ang DSWD na rumesponde sa mga LGU na magre-request ng augmentation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *