Unang araw ng tigil-pasada naging matagumpay ayon sa No to PUV Phaseout Coalition
Naging matagumpay ang unang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON.
Ayon sa No to PUV Phaseout Coalition, umabot sa 85% paralysis sa major routes ng Metro Manila, alas 9:30 ng umaga ng Lunes, Nov. 20.
Ito anila ay sa kabila ng naranasan nilang pagpigil sa kanila ng kapulisan.
Naglunsad ang mga jeepney driver mula sa Pasig, Taguig at Makati ng symbolic action protest upang tutulan ang PUV modernization program.
Sa Monumento Circle, nagsagawa din ng protesta ang mga driver ng jeep.
Sinabi ng koalisyon na maliban sa Metro Manila ay may mga isinagawa din ng tigil-pasada sa ilang mga rehiyon sa bansa kabilang ang Southern Tagalog, Bicol, Western Visayas at Central Visayas. (DDC)