Coast Guard kinilala ang kabayahinan ng lalaking nagligtas sa 4 na nawawalang mangingisda sa Zambales
Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabayanihan ng isang 21-anyos na mangingisda na si Jhonny Marag.
Si Marag ang sumagip sa apat na mangingisdang Pinoy sa karagatan na sakop ng Candelaria, Zambales.
Noong November 9, 2023, iniulat ang pagkawala ng nasabing mga mangingisda habang lulan ng FB PEPITO 3 sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.
Naglunsad ng search and rescue operations ang PCG at ang local government unit (LGU) ng Infanta para mahanap ang mga nawawalang mangingisda na sina Edgar Bejar, Jake Bejar, Melchor Molato at Arnel Morano.
Ayon kay Edgar Bejar, apat na araw silang nanatili sa karagatan sa gitna ng malakas na alon bunsod ng malakas na hangin matapos masira ang makina ng bangka.
Ang natunaw na na yelo na kanilang ginagamit sa pag-preserba ng mga nahuhuling isda ang nagsilbi nilang tubig inumin.
Noong Nov. 15, namataan sila ni Marag at nailigtas.
Ayon kay Mmarag, nakita niya ang smoke signal mula sa FB PEPITO 3 kaya agad niya itong nilapitan.
Pawang nasa maayos na kondisyon ang mga nailigtas na mangingisda na agad naiuwi ng Infanta, Pangasinan. (DDC)