Barge na may kargang industrial coal sumadsad sa Negros Oriental

Barge na may kargang industrial coal sumadsad sa Negros Oriental

Isang barge na may kargang industrial coal ang sumadsad sa Barangay Okiot, Bais City, Negros Oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sumadsad ang TML BLUE SKY JAY habang hinahatak ng tugboat na MTUG TML THE CEO.

Patungo dapat ang barko sa Campuyo, Manjuyod, Negros Oriental galing ng Semirara, Antique ng makaranas ng malalakas na alon dahil sa hindi magandang panahon.

Lulan ng barge ang 1600 MT ng industrial coal ng mangyari ang insidente.

Ayon sa PCG, nahirapan ang MTUG THE CEO sa paghatak sa barge.

Agad namang rumesponde ang PCG sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pang minomonitor ng PCG ang sitwasyon habang hinihintay ang pagdating ng rerespondeng tugboat na hahatak sa barge. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *