Suplay ng murang bigas sa merkado, sapat ayon sa DA
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na may sapat na suplay ng murang bigas sa merkado.
Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, halos natapos na ang wet season harvest sa bansa.
Naani na aniya ang nasa 90% ng tanim na palay sa buong bansa na binili ng P22.00 kada kilo.
Ibinebenta ito ng P23 hanggang 25/kilo sa farmgate price.
Dahil dito ayon sa DA ang average retail price para sa regular well milled ngayon ay nasa P42.80 habang ang well milled ay P45.
Mayroon pang nalalabing 3.063 million metric tons (MMT) na aanihi para sa nalalabing petsa ng Nobyembre at sa buwan ng Disyembre.
Ani De Mesa base sa national rice outlook ngayong taon ay aabot sa 20 million metric tons ang kabuuang ani ng palay. (DDC)