Pangulong Marcos bumiyahe patungong US para sa 30th APEC Economic Leaders’ Meeting

Pangulong Marcos bumiyahe patungong US para sa 30th APEC Economic Leaders’ Meeting

Bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong San Francisco, California.

Ito ay sa imbitasyon ni US President Joseph Biden, para makilahok sa 30th APEC Economic Leaders’ Meeting.

Sa departure speech, ibinahagi ng pangulo na itataguyod nito ang economic prosperity at mga pagbabago para sa magandang kinabukasan ng mga Pilipino.

Bukod pa rito, bibigyang prayoridad din ang kooperasyon para sa pag-abot ng food at energy security, sustainable development, at pagtugon sa climate change.

Ayon sa pangulo, ang APEC Region ay kinakatawan ng 38% ng populasyon sa buong mundo.

Marami din aniyang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga bansang miyembro ng APEC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *