Honoraria ng lahat ng guro na nanilbihan noong Barangay at SK elections, naipamahagi na ng Comelec

Honoraria ng lahat ng guro na nanilbihan noong Barangay at SK elections, naipamahagi na ng Comelec

Naipamahagi na ng Commission on Elections ang honoraria para sa mga guro na nanilbihan noong nagdaang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, kabuuang P7 billion ang inilaan para sa honoraria ng mga poll worker noong nagdaang BSKE.

Sa datos mula sa Comelec, 605,379 na miyembro ng electoral boards sa buong bansa ang natanggap na ang kanilang honoraria.

Natapos na din ng Comelec ang pamamahagi ng honoraria sa 37,333 Department of Education (DepEd) supervisor officials (DESO), at DESO Support Staff (DESO-SS).

Ang mga nagsilbing chairperson Electoral Board ay tumanggap ng P10,000, ang mga miyembro ay P9,000.

Habang ang mga DESO ay nakatanggap ng P9,000 at ang DESO-SS ay P5,500. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *