Safe Trip Mo, Sagot Ko program ng MPT South handa na sa BSKE at Undas 2023

Safe Trip Mo, Sagot Ko program ng MPT South handa na sa BSKE at Undas 2023

Nakahanda na ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), sa inaasahang dagsa ng mga motorista sa paparating na 2023 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) at maging sa paggunita sa Undas.

Muling ilulunsad ng toll road operator ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” (SMSK) motorist assistance program sa mga sumusunod na petsa: 6:00 ng umaga ng Oktubre 27, 2023, hanggang 6:00 ng umaga ng Oktubre 29, 2023; 6:00 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang 6:00 ng umaga ng Nobyembre 2; at 6:00 ng umaga ng Nobyembre 4 hanggang 6:00 ng umaga ng Nobyembre 6.

Paiigtingin nito ang operasyon sa mga high-speed road network ng MPT South kabilang ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at ang Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at CAVITEX C5 Link, katuwang ang Philippine Reclamation Authority (PRA) at ang operating subsidiary nito na PEA Tollway Corporation (PEATC).

“MPT South toll roads are fully prepared to serve the expected traffic surge across our toll road networks as we approach these consecutive holidays. With CAVITEX C5 Link and CALAX implementing 100% RFID dry run, we urge our motorists to have an RFID installed and ensure it has sufficient load for a more seamless passage at our toll roads. Motorists may plan their trips, through MPT DriveHub app which provides traffic updates, toll fee calculator, reloading facility, and even emergency roadside assistance” ani MPT South President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.

Sa ilalim ng SMSK program, ilalagay sa ‘high alert’ status ang iba’t ibang serbisyo sa kahabaan ng expressway upang masiguro ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong holiday.

Magde-deploy ito ng karagdagang manpower para sa on-ground tasks gaya ng traffic management kabilang ang patrolmen at security personnel, maging ang toll collection, kabilang ang ambulant tellers para sa cash lanes at RFID assistant sa bawat RFID lane.

Handa rin ang RFID installers para sa mga RFID-related requirements, partikular sa mga toll plazas na kabilang sa dry-run ng 100% RFID (CAVITEX C5 Link and CALAX).

Bukod pa dito, libre rin ang towing services para sa CLASS 1 vehicles (patungo sa pinakamalapit na exit) habang umiiral ang SMSK program. Naka standby din ang mga emergency medical services at incident response team para sa mas mabilis na pagresponde sa mga motorista.

Mananatili ring nakaantabay ang social media accounts ng MPT South gaya ng Facebook (fb.com/cavitexpressway and fb.com/OfficialCALAX) at X na dating Twitter (@CaviteXpressway and @OfficialCALAX), at ang 24/7 hotline 1-35000 para sa anumang concerns.

Dagdag pa dito, palalakasin ng MPT DriveHub app ang SMSK program sa pamamagitan ng pagbibigay ng traffic updates at seamless access sa iyong RFID transactions, reloading, trip planning, at emergency roadside assistance.

Ang MPTC ay ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

Bukod sa CALAX at CAVITEX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang concessions para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *