Red tide alert itinaas ng BFAR sa baybayin sa Samar at Cebu
Nagtaas ng red tide alert ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa baybayin sa Samar at isang bayan sa lalawigan ng Cebu.
Sa abiso na inilabas ng BFAR, positibo sa nakalalasong red tide ang katubigan sa Cambatutay Bay sa Samar.
Dahil dito, nagbabala ang BFAR sa mga residente sa lugar na iwasan ang pagkuha at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish kabilang na ang alamang.
Ligtas namang kainin ang mga mahuhuling isda, squid at hipon sa naturang lugar.
Samantala, positibo din sa red tide toxin ang baybayin sa Madridejos sa Cebu. (DDC)