Pangulong Marcos nagpatawag ng command conference kasunod ng panibagong insidente sa West PH Sea

Pangulong Marcos nagpatawag ng command conference kasunod ng panibagong insidente sa West PH Sea

Nagpatawag ng command conference si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng panibagong insidente na nangyari sa pagitan ng mga barko ng China at ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa ipinatawag na pulong na dinaluhan ng lahat ng security authorities ay tinalakay ang ang panibagong paglabag ng China sa West PH Sea.

Inatasan ng pangulo ang Philippine Coast Guard na magsagawa ng imbestigasyon na itinatakda ng international maritime laws.

Ayon sa PCO, ang delikado, ilegal at reckless maneuvers ng mga barko ng China Coast Guard ay nagdulot ng pinsala sa barko ng Pilipinas.

Sinabi ng Malakanyang na seryosong tinatrato ito ng gobyerno ng ng Pilipinas dahil ang insidente ay nangyari sa loob ng Philippine exclusive economic zone. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *