P26M na halaga ng marijuana nakumpiska sa QC

P26M na halaga ng marijuana nakumpiska sa QC

Aabot sa P26 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office, Highway Patrol Group (HPG NHQ), Laloma Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Balintawak, Quezon City.

Itinuturing itong pinakamalaking illegal drug ‘buy-bust’ operation sa ilalim ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief, Police General Debold M. Sinas, aabot sa 217 kilos ng Marijuana bricks ang nasabat na mayroong Dangerous Drugs Board value na 26 million pesos.

“The PNP has relentlessly pledged to come to terms with the President’s campaign program to eradicate illegal drugs with our almost daily accomplishments of major significance in this regard. The success in this endeavor would not have been achieved without the stronger cooperation between PNP units and the PDEA to seriously hit the use and selling of illegal drugs in the country”, ayon kay Sinas.

Naaresto sa nasabing operasyon ang negosyanteng si Dianne Cambalicer, 37 anyos; Louie Cuerdo, 29 anyos, driver at isang Angelo.

Ikinasa ang operasyon sa kabaaan ng EDSA, Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *