Minimum wage sa Ilocos Region tataas simula sa Nov. 6
Magkakaroon ng pagtaas sa sahod ang mga manggagawa sa Ilocos Region.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang bagong minimum wage rate para sa non-agriculture sector na may empleyado na 10 o higit pa ay magiging P435.
Mas mataas ng P35 mula sa kasalukuyang minimum wage na P400.
Samantala, para naman sa non-agriculture sector na ang empleyado ay mas mababa sa 10, magiging P402 ang sweldo mula sa kasalukuyang P372.
Madaragdagan din ang sahod ng mga domestic workers sa Ilocos Region.
Mula sa kasalukuyang P5,000 ay magiging P5,500 ang buwanang sahod ng mga domestic workers sa rehiyon.
Epektibo ang dagdag sahod sa Nov. 6. 2023. (DDC)