PANOORIN: Retrieval operations sa FFB Dearyn matagumpay na naisagawa ng PCG

PANOORIN: Retrieval operations sa FFB Dearyn matagumpay na naisagawa ng PCG

Matagumpay na naisagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang retrieval operations sa Filipino fishing boat (FFB) DEARYN.

Ang FFB Dearyn ang bangkang nabangga ng dayuhang Oil Tanker na ikinasawi ng 3 mangingisdang Pinoy.

ANG FFB DEARYN ay natagpuan sa layong 180 nautical miles west ng Agno, Pangasinan.

Batay sa direktiba ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, ang Task Force Kaligtasan sa Karagatan ng Coast Guard sa pamumuno ni Vice Admiral Joseph Coyme ay nag-deploy ng BRP Malapascua (MRRV-4403) at PCG Cessna Caravan (PCG-2081) para isagawa ang tatlong yugto ng operasyon.

Ang aerial survey, security, at salvage operations.

Nagsagawa muna ang Coast Guard Aviation Force (CGAF) ng aerial survey upang matiyak ang lokasyon ng FFB DEARYN.

Habang hinihintay ang pagdating ng salvage vessel, ang BRP Malapascua ang nag-secure sa FFB DEARYN na lumubog na at may mga nasira ng bahagi.

Dumating sa lugar ang MTUG AVIOR ng Harbor Star Shipping hapon ng Oct. 11 para simulan ang salvage operations.

Nagsagawa muna ng surface at underwater inspection para mai-assess ang kondisyon ng shipping boat.

Umaga ng October 14, sinimulan ng MTUG AVIOR ang reļ¬‚oating operation at naisagawa ito gabi na ng nasabing petsa.

Umaga ng Oct. 15 ng matalian at ma-secure ang FFB DEARYN.

Ininspeksyon ito ng mga tauhan ng Maritime Casualty Investigation Service (MCIS) para matiyak ang preservation ng ebidensya para sa gagawing imbestigasyon.

Ayon sa PCG, ang FFB Dearyn ay nadala na sa Subic, Zambales Linggo (Oct. 15) ng gabi. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *