Halaga ng naipamahaging fuel subsidy ng LTFRB mahigit P860M na

Halaga ng naipamahaging fuel subsidy ng LTFRB mahigit P860M na

Umabot na sa P860,977,500 ang kabuuang halaga na na-disburse o naipagkaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Landbank of the Philippines (LBP) upang maipamahagi sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Sa huling datos ng ahensya umabot na sa 132,009 na mga operator ng pampublikong sasakyan sa buong bansa ang naisama sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng fuel subsidy.

Samantala, 92,755 na yunit ng pampublikong sasakyan naman sa buong bansa ang nakatanggap na ng subsidiya na may katumbas na halaga na P605,186,000 sa ilalim ng Fuel Subsidy Program (FSP) ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB.

Layon ng programa na matulungan ang mga operator at tsuper bunsod ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Nagpasalamat naman ang LTFRB sa tulong ng Landbank upang mapabilis at mas maging epektibo ang pamamahagi ng subsidiya sa mga operator ng pampublikong sasakyan.

Ang halaga ng subsidiya na nakalaan para sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan ay magkakaiba dahil nakadepende ito sa dami ng konsumo na kinakailangan ng kanilang sasakyan.

Ang mga modern PUJ ay makatatanggap ng P10,000 na subsidiya; ang mga tradisyunal na jeep naman at iba pang PUV ay P6,500.

Ang delivery services ay makatatanggap ng P1,200 na subsidy habang P1,000 naman para sa mga tricycle. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *