Pang. Marcos binati si EJ Obiena matapos makuha ang gintong medalya sa Asian Games
Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si EJ Obiena matapos makuha ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa ginaganap na Asian Games sa China.
Sa kaniyang mensahe ipinaabot ng pangulo ang pagbati kay Obiena at sa ibang mga manlalarong Pinoy na sumabak sa Asian Games.
Kabilang sa binati ng pangulo sina Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, at Francis Casey Alcantara for para sa kanilang ipinakitang performance sa Taekwondo, Wushu, at Tennis.
Naitala ni Obiena ang ang 5.90 meters sa men’s pole vault finals.
Ito na ang bagong Asian Games record matapos na mahigitan ni Obiena ang rekord ni Seito Yamamoto ng Japan na 5.80 meters noong 2018 Asian Games. (DDC)