Dating mayor sa Ilocos Norte, inaresto dahil sa kasong murder

Dating mayor sa Ilocos Norte, inaresto dahil sa kasong murder

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagdakip ng mga otoridad sa dating mayor ng Dingras, Ilocos Norte na wanted sa kasong pagpatay sa tatlong katao.

Ayon sa NCRPO, dinakip ng kanilang Regional Special Operations Group si dating Dingras Mayor Marynette Gamboa sa loob ng isang resort sa Calamba City, Laguna.

Bago ang operasyon ay ilang araw na isinailalim sa intelligence operations ang dating mayor.

Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ng Batac City Regional trial Court Branch 17 noong July 2022.

Walang inirekomendang piyansa sa kaso ni Gamboa.

Si Gamboa ay ipinagharap ng murder kaugnay sa kasong pagpatay kina dating Ilocos Norte Electric Cooperative President Lorenzo Rey Ruiz, Dingras mayor-elect Jeffrey Saguid, at Sangguniang Panlalawigan Board Member Robert Castro noong 2009.

Una ng naaresto noong May 2019 ang dating mayor pero nakalaya makalipas ang dalawang linggo matapos na bawiin ng korte ang warrant of arrest laban dito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *