Coast Guard naglatag ng oil spill sa Puerto Princesa City Port matapos makitaan ng langis ang katubigan
Naglatag ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) at naglagay ng sorbent pads para makontrol ang pagtagas ng langis sa Puerto Princesa City Port sa Palawan.
Namataan ang langis sa katubigan, araw ng Sabado (sept. 30).
Agad nag-deploy ng response team ang PCG para maawat ang pagkalat pa ng langis.
Umabot din sa dalawang drum ang nakulektang langis ng ng PCG sa 500-square-meter na apektadong bahagi ng katubigan.
Habang ang mga marine science technicians ng PCG ay kumulekta ng langis mula sa dalawang barko na nakadaong sa Puerto Princesa City Port para maisailalim sa pag-aaral at comparison upang matukoy ang pinagmulan ng oil spill.
Kukuhanan din ng sample ang isang RoRo / passenger vessel na umalis sa pantalan ilang oras bago nangyari ang oil spill upang maisailalim din sa testing. (DDC)