LPA sa Central Luzon naging ganap na bagyo, pinangalanang “Jenny” ng PAGASA

LPA sa Central Luzon naging ganap na bagyo, pinangalanang “Jenny” ng PAGASA

Isa ng ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Central Luzon.

Ang bagyo na pinangalanang “Jenny” ng PAGASA ay huling namataan sa layong 1,400 kilometers East ng Southeastern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyo, gayunman, maaaring palakasin nito ang Habagat na posibleng magdulot ng pag-ulan sa western portions ng Central at Southern Luzon simula sa Linggo.

Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa tropical storm category sa Sabado (Sept. 30) ng tanghali. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *