Restoration sa PhilHealth system nagpapatuloy ayon sa DICT

Restoration sa PhilHealth system nagpapatuloy ayon sa DICT

Patuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau nito para mai-restore ang system ng PhilHealth na nabiktima ng ransomware attack.

Ayon sa pahayag ng DICT, nagpapatuloy ang ginagawa nilang hakbang upang mai-restore ang Domain Name System (DNS) server ng PhilHealth.

Sinabi ng DICT na mabilis ang naging pagtugon ng kanilang National Computer Emergency Response Team (NCERT) at agad nagtungo sa head office ng PhilHealth ng malaman ang insidente.

Agad nagpatupad ng critical security measures kabilang ang pag-disconnect sa workstations mula sa network.

Kaugnay nito ay kinondena ng DICT ang ransomware attack at ang pagtatangkang makuha ang mga impormasyon ng mga miyembro ng PhilHealth.

Patuloy din ang imbestigasyon ng DICT at pag-monitor sa sa apektadong sistema. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *