Pangulong Marcos iniutos ang pagbibigay prayoridad sa mga farm-to-market road project
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na kaniyang ring pinamumunuan na gawing prayoridad ang mga farm-to-market road (FMR) projects.
Sa sectoral meeting na idinaos sa palasyo, binanggit ng pangulo ang agarang pagsasaayos sa mga sirang kalsadang at dinaraanan ng maraming produkto.
Inatasan din ng pangulo ang DA na makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno para matukoy ang mga ang iba pang mga lugar na maaaring i-develop at palagyan ng farm-to-market roads para matiyak ang mabilis na pagbiyahe sa mga produkto.
Pinaaayos din ng pangulo ang mga FMR na nasira o napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Sa datos ng DA at iba pang ahensya ng gobyerno, hanggang noong October 2022 ay mayroong 67,255.46 kilometers ng FMR projects ang nakumpleto na.
51% ito ng 131,410.66 kilometers na target. (DDC)