Ilang residente inilikas, klase sa isang paaralan nasuspinde dahil sa amonia leak sa Taguig

Ilang residente inilikas, klase sa isang paaralan nasuspinde dahil sa amonia leak sa Taguig

Ilang residente ang inilikas at nasuspinde ang klase sa isang paaralan matapos ang insidente ng amonia leak sa Taguig City.

Ayon sa Taguig City LGU, rumesponde ang mga tauhan ng Taguig Rescue at Bureau of Fire Protection (BFP) sa ammonia leak sa isang ice plant sa M.L. Quezon St., Barangay Lower Bicutan araw ng Lunes (Sept. 25).

Dahil sa insidente, nasuspinde ang klase sa kalapit na R.P. Cruz Elementary School para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aral.

Tinilungan naman ng City Social Welfare and Development Office ang mga apektadong residente para makalikas at madala pansamantala sa Hagonoy Gymnasium.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Taguig Rescue, BFP NCR, at PNP Explosive Ordnance Disposal (PNP EOD) sa nasabing insidente.

Alas 9:00 ng umaga ay sinabi ng Taguig LGU na matagumpay ng na-contain ang ammonia leak. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *