P3.4M na halaga ng marijuana sinira sa Mt. Province
Aabot sa P3.4 million na halaga ng marijuana ang sinira ng mga otoridad sa Sadanga, Mt. Province.
Binunot ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang 17,000 na piraso ng fully-grown marijuana at saka sinunog.
Ang nasabing mga tanim na marijuana ay nadiskubre sa
tatlong plantasyon sa Sadanga.
Wala namang naaresto ang mga otoridad sa ginawang operasyon.
Noong nakaraang linggo, umabot sa P12.4 na halaga din ng pananim na marijuana ang winasak ng mga otoridad sa lalawigan ng Kalinga. (DDC)