Naval Gun Test Firing and Capability Demo ng Philippine Navy idinaos sa Basilan
Naging matagumpay ang idinaos na joint 3rd Quarter Naval Gun Test Firing and Capability Demo ng Philippine Navy vessels sa Basilan.
Isinagawa ang pagsasanay sa Dasalan Island gamit ang floating assets ng Navy kabilang ang BRP General Mariano Alvarez, BRP Nestor Acero, BRP Domingo Deluana, BRP Florencio IƱigo at ang BA485 at BA487 ng 1st Boat Attack Division.
Bahagi ng demonastrasyon ang live gunnery exercises, swarming tactics at coordinated maneuvers.
Layunin ng pagsasanay na masuri at masiguro ang operability, accuracy at epektibong operasyon ng lahat ng naval combat systems.
Kabilang dito ang kaalaman ng gun crew at fire control operators na lulan ng mga barko ng Navy. (DDC)