LTO paiigtingin ang kampanya kontra smuggled vehicles
Paiigtingin ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya laban sa mga smuggled na sasakyan.
Kasunod ito ng naging direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II tutulong ang ahensya sa Bureau of Customs (BOC) para masawata ang pagpupuslit ng mga sasakyan sa bansa.
Titiyakin din ng LTO na walang mairerehistrong sasakyan na galing sa smuggling.
Kaugnay nito ay inatasan ni Mendoza ang mga regional directors at district heads ng ahensya na makipag ugnayan sa BOC sa kani-kanilang lugar.
Nanawagan din si Mendoza na i-report sa LTO kung mayroon silang impormasyon na makatutulong sa laban kontra smuggled vehicles. (DDC)