Las Piñas LGU naglabas ng traffic advisory para sa nalalapit na bar exam sa Muntinlupa

Las Piñas LGU naglabas ng traffic advisory para sa nalalapit na bar exam sa Muntinlupa

Naglabas ang Las Piñas City Government ng abiso sa trapiko upang ipaalam sa publiko ang inaasahang matinding trapik sa darating na weekend.

Tinukoy ng City Traffic and Parking Management Office na asahan ang pagbigat lalo ng trapik sa Alabang-Zapote Road partikular malapit sa Don Manolo Boulevard.

Ang inaasahang pagtindi ng trapik ay dahil sa 2023 Bar Examinations na nakatakdang ganapin sa San Beda College Alabang sa Muntinlupa City sa darating na Setyembre 17, 20, at 24.

Ang naturang pagsusulit ay asahang dadaluhan ng libu-libong examiners kasama ang kanilang mga pamilya at malapit na kaibigan na magdudulot ng pagbigat ng trapik sa loob at labas ng venue.

Pinapaalalahanan ang mga residente na agad planuhin ang kanilang biyahe, mga rutang daraanan at maglaan ng sobrang oras para sa pagbiyahe.

Ang mga motoristang may friendship sticker ay maaaring dumaan sa mga tukoy na alternatibong ruta upang makaiwas sa abala na dulot ng matinding trapik.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na maging mapagpasensiya at magpatupad ng kurtesiya sa kalsada sa panahon ng nasabing aktibidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *