Gilas Pilipinas nagsimula ng mag-ensayo para sa Asian Games

Gilas Pilipinas nagsimula ng mag-ensayo para sa Asian Games

Nagsimula ng mag-ensayo ang Gilas Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Coach Tim Cone para paghandaan ang 19th Asian Games.

Ang Asian Games ay gaganapin sa September 23 hanggang October 8 sa Hangzhou, China.

Ang Gilas Pilipinas team ay bubuuin nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, RR Pogoy, Chris Newsome, Calvin Oftana, Justin Brownlee, Jason Perkins, Ange Kouame, Mo Tautuaa, Calvin Abueva, at Terrence Romeo kasama si Stanley Pringle na magsisilbi bilang stand-in player.

Sa Asian Games ay hindi makapaglalaro sina NBA star Jordan Clarkson, Kai Sotto, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, AJ Edu, at Rhenz Abando na kailangan ng bumalik sa kani-kanilang team.

Maliban kay Cone, kasama din bilang assistant coach sina Richard del Rosario, Jong Uichico, Olsen Racela, at LA Tenorio.

Sa Sept. 23 nakatakdang umalis patungong Hangzhou ang Gilas.

Nasa Group C bracket ang Gilas kasama ang mga koponan ng Jordan, Thailand at Bahrain. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *