P250M na halaga ng pasilidad ibinigay ng US sa PCG
Tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P250 million na halaga ng bagong tayong pasilidad mula sa gobyerno ng Estados Unidos.
Ang gusali ay matatagpuan sa Fleet Training Center ng PCG sa Balagtas, Bulacan na inaasahang makatutulong sa pagpapaigting ng kakayahan ng PCG.
Ang two-story building na donasyon ng US ay may lawak na 3,900 square meters, na kinabibilangan ng mga classrooms, laboratories, equipment rooms, dining facilities, offices, workstations, galley, at technical library.
Sa turnover ceremony, sinabi ni PCG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan na ang pasilidad ay gagamitin para sa edukasyon at pag-develop pa ng kaalaman ng mga Coast Guard personnel.
Sa nasabing pasilidad dadalhin ang mga mag-aaral sa ilalim ng Fleet Education Training Development Doctrine Institute na kumukuha ng shipboard careers at courses. (DDC)