Halos 3,000 pulis inilipat ng puwesto kaugnay ng idaraos na BSKE 2023
Umabot na sa kabuuang 2,800 na mga pulis ang nailipat ng puwesto kaugnay ng idaraos na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ang paglilipat sa puwesto sa mga pulis ay upang matiyak na hindi sila makaka-impluwensya sa magiging proseso ng eleksyon.
Ang mga inilipat na pulis ay pawang may mga kaanak na naghain ng kandidatura para BSKE kaya marapat na ilipat sila sa ibang lugar.
Ayon sa PNP, sakop ng ipinatupad na reassignment ang mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato hanggang 4th degree of consanguinity.
Ang prosesong ito ay regular na ginagawa ng PNP tuwing may eleksyon. (DDC)