Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan
Tataas ng P0.50 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Setyembre.
Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa pagtaas ng generation charge na dulot ng paghina ng piso kontra US dollar.
Para sa mga may konsumo na 200kwh, tinatayang P100 ang dagdag sa kanilang bill.
Para sa mga may konsumo na 300kwh, tinatayang P150 ang dagdag sa bill.
Para naman sa mga may konsumo na 400kwh, tinatayang P200 ang dagdag sa bill.
At para sa mga may konsumo na 500kwh, tinatayang P250 ang dagdag sa bill.
Magre-reflect ang bawas singil sa September bill ng consumers. (DDC)