Kapitan ng barangay patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Batangas
Nasawi ang isang incumbent na barangay captain matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Taal nitong Martes (Sept. 5) ng umaga.
Kinilala ni Major Fernando O. Fernando, hepe ng Taal police ang biktimang si Erasmo “Resty” Divino Hernandez, Barangay Captain ng Barangay Poblacion Zone 10 Taal, Batangas.
Batay sa report ng Taal police, nakatayo si Hernandez sa harap ng kanilang barangay hall nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin ito bandang alas 7:20 ng umaga.
Naisugod pa sa Lemery Doctors Medical Center si Hernandez pero binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa emergency room ng ospital.
Agad nagsagawa ng hor pursuit pulisya ang mga di-pa kilalang mga suspek na parehong naka suot ng helmet at naka jacket na sakay ng itim na motorsiklo ng tumakas patungo sa bayan ng Sta Teresita.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pamamaslang at kung may ang kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election ang pangyayri.
Si Hernandez ay muling tatakbo sana bilang barangay captain sa darating na eleksyon. (JR Narit)