Taguig LGU sinimulan ang bahay-bahay na pamamahagi ng birthday cash gift sa senior citizens sa EMBO Barangays

Taguig LGU sinimulan ang bahay-bahay na pamamahagi ng birthday cash gift sa senior citizens sa EMBO Barangays

Sinimulan ngayong Agosto 31 ng Taguig City ang bahay-bahay na pamamahagi ng birthday cash gift sa mahigit 270 senior citizens mula sa 10 Embo barangays na nasa kanyang pangangalaga.

Sa ilalim ng programa,makatatanggap ang mga senior citizen ng Taguig ng cash gifts na P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang edad o age bracket:

P3,000 para sa mga 60-69 anyos,

P4,000 para sa mga 70-79 anyos,

P5,000 para sa mga 80-89 anyos at

P10,000 para sa mga 90-99 anyos

Kapag naabot ang edad 100 ay tatanggap ang mga nakatatanda ng P100,000 at patuloy na makatatanggap ng pqrehong halaga kada taon ng kanilang buhay.

Personal na iniabot ni Mayor Lani Cayetano ang cash gift sa mga senior citizens sa pagsisimula ng pamamahagi sa Barangay Pembo. Ang iba ay nakatanggap ng kanilang birthday cash gift nang ihatid sa kanilang bahay ng mga barangay workers.

Nagpasalamat ang 72-anyos na si Guillermo Perez Jr. ng Barangay South Cembo sa Taguig City para sa ipinagkaloob na cash gift at bahay-bahay na pamamahagi.

“Napakaganda po na dinadala niyo sa amin sa bahay ang aming cash gift. Maraming salamat po,” ani Perez nang matanggap ang kanyang P4,000 na cash gift.

Ayon kay lola Adela Miranda, 86-anyos, ng Barangay Post Proper Southside na ito ang unang beses na nakatanggap siya ng cash gift para sa kanyang kaarawan.

“Maraming salamat po at ngayon may natanggap na ako sa kaarawan ko. Ibibili ko po ito ng bigas at pang ulam namin,” masayang pahayag ni Miranda sa barangay workers nang iabot sa kanya ang kanyang P5,000 na cash gift.

Sa kabila ng kakulangan ng wastong turnover ng senior citizen database, napamahalaan pa rin ng Taguig ang pagtukoy sa inisyal na listahan ng 271 senior citizens sa pamamagitan ng tulong ng community leaders sa Embo barangays kung saan naberipika ang listahan ng social pension beneficiaries mula sa mga nasabing barangays.

“Kahit po mano mano ang pagkalap ng ating datos, hindi na namin ipinagpabukas ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa ating mga senior citizen,” sabi ni Mayor Lani sa mga seniors mula sa Embo barangays.

“Ang araw po na ito ay patunay na mayroong programa ang City of Taguig para sa ating mga senior citizens. Sa Taguig ang naging programa po natin, pag sumasapit ang kaarawan ng ating mga senior citizen, according to the age bracket, financial assistance po yung binibigay natin,” dugtong ng alkalde.

Binuksan din ng Taguig anf one-stop shop volunteer center sa Sampaguita Street sa Barangay Pembo na maaaring puntahan ng mga hindi nakasama sa inisyal na listahan ng senior citizen beneficiaries upang magpalista at maberipika para sa kanilang birthday cash gift.

Ang one-stop shop ay bukas din sa mga katanungan at aplikasyon ng social services tulad ng medical assistance, burial assistance, mga benepisyo para sa persons with disabilities, at ukol sa scholarship.

Maaari rin tumawag sa 0966-170-3025, 0926-661-2230, at 0926-661-2234 para sa Globe; 0962-057-9590, at 0950-356-1320 para sa Smart users.

Bilang mapagkalingang lungsod,prinayoridad ng Taguig ang kapakanan ng kanyang senior citizens sa pamamagitan ng house-to-house delivery ng libreng maintenance medicines sa mga may diabetes, hypertension, at asthma.

Noong 2019, binuksan ng Taguig ang Center for the Elderly, isang pioneer wellness hub sa bansa para sa senior citizens. Isang 5-storey building na may therapy pool, sauna, gym/yoga/ballroom area, massage room, cinema, rooftop garden, recreational area, at clinic na nag-aalok ng pahinga at marelax ang nakatatandang TaguigeƱo upang makapagpalakas.

Siniguro ng Taguig na ang bawat senior citizen mula sa 10 Embo barangays ay makatatanggap ng birthday cash gift dahil residente na sila ngayon ng lungsod at ipagkakaloob ang parehong mga programa at serbisyo sa kanyang mga bagong residente lalo na sa mga minamahal na lolo at lola. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *