P519M na halaga bigas at palay, natagpuan ng Customs sa mga warehouse sa Bulacan
Muling nagsagawa ng operasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa ilang mga warehouse ng bigas sa lalawigan ng Bulacan araw ng Miyerkules, August 30.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mapapababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Apat na warehouse ang pinuntahan ng BOC sa sa Bocaue at Balagtas, Bulacan province kung saan natagpuan ng BOC Inspection Team ang 154,000 na sako ng ng imported na bigas at 60,000 sako ng palay.
Ayon sa Customs ang mga bigas ay ay galing ng Vietnam at Pakistan at tinatayang aabot sa P431 million ang halaga habang ang mga palay naman ay nasa P88 million ang halaga.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang may-ari ng mga warehouse ay nabigong magpresenta ng dokumento na magpapatunay na lehitimo ang gonawa nilang pag-aangkat ng bigas at nagbayad sila ng karampatang buwis.
Pansamantalang ipinasara ang mga warehouse habang nagpapatuloy ang imbentaryo sa mga produktong nasa loob nito. (DDC)