BAN Toxics umapela sa mga kandidato na bawasan ang plastic waste para sa BSKE 2023

BAN Toxics umapela sa mga kandidato na bawasan ang plastic waste para sa BSKE 2023

Nanawagan ang toxics watchdog BAN Toxics sa lahat ng mga kumakandidato para sa Barangay, Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na bigyang importansiya ang pagprotekta sa kapaligiran bilang mahalagang hangarin sa eleksiyon ngayong BSKE period hanggang Oktubre 31 sa buong bansa.

“We hope that candidates will be mindful of caring for the environment and refraining from campaign-related trash to make this election clean and waste-free.” sabi ni Rey San Juan, executive director ng BAN toxics.

Noong 2022 national election, idinukomento ng mga volunteers ng BAN Toxics at kinunan ng litrato ang mga basura noong halalan sa pitong lungsod sa Metro Manila at Bulacan. Ilang campaign materials gaya ng tarpaulins, posters, flyers, at sample ballots ang nakakalat sa mga daraanan malapit sa mga paaralan.

“We urge the local candidates to comply with the rules set by the Commission on Elections (Comelec) and to shun from using plastic campaign materials including tarpaulin to reduce plastic waste and pollute the environment,” ayon pa sa grupo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *