LPA sa Cagayan naging ganap na bagyo; pinangalanang Goring ng PAGASA

LPA sa Cagayan naging ganap na bagyo; pinangalanang Goring ng PAGASA

Nabuo na bilang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng Cagayan.

Ang sentro ng bagyo na pinangalanang Goring ay huling namataan sa layong 400 km East Northeast ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong West Northwestward.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na tatlong araw ay hindi naman inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo.

Gayunman, kung ang direksyon nito ay magiging pa-kanluran, maaari itong magpaulan sa Cagayan Valley.

Palalakasin din ng bagyo ang epekto ng Habagat na maaaring magdulot ng pag-ulan sa western portions ng Central at Southern Luzon.

Posible ding simula Huwebes (Aug. 24) ng gabi ay magtaas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Posible ding lumakas pa ang bagyo at maging tropical storm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *