Northwest Samar State University Lions sasabak sa season 2 ng Eastern Visayas Collegiate Athletic Association
Nakahandang makipagtunggali ang Northwest Samar State University (NwSSU) Lions sa nalalapit na pagbubukas ng Eastern Visayas Collegiate Athletic Association Season 2 Invitational Basketball Tournament.
Ang tournament ay gaganapin sa Setyembre 9 sa lungsod ng Tacloban.
Mayroong labingisang koponan na lalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Eastern Visayas tulad ng sumusunod:
– Eastern Visayas State University (EVSU) Eagles
– Samar State University (SSU) Deer
– Saint Paul School of Professional Studies (SPSPS) Templars
– University of Eastern Samar Philippines (UEP) Buffalos
– Visayas State University (VSU) Pythons
– Southern leyte State University (SLSU) Kingfishers
– Biliran Province State University (BIPSU) Tigers
– Eastern Samar State University (ESSU) Praying Mantis
– Romualdez Medical Foundation, College of Madicine (RTRMF)-DVOREF Praefortes
– Leyte Normal University (LBU) Golden Falcons
– at ang NwSSU Lions
Sa panayam kay Prof. Ronald Amoguez, coach ng NwSSU Lions, nabanggit niya ang regular na ginagawang pagsasanay ng mga manlalaro at iba pang paghahanda para makapasok sa championship round at masungkit ang P100,000 na premyo, at ang pagkakataong makasama sa National Collegiate Athletic Association.
Ang EVCAA o Eastern Visayas Collegiate Athletic Association ay pinamamahalaan ng Commission on Higher Education (CHED) sa pakikipagtulungan ng Tingog Party List Representatives Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre, at Office of the House Speaker Martin Romualdez. (DDC)