Listahan ng toll plazas para sa isasagawang dry-run sa contactless toll collection inilabas ng TRB
Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB) ang listahan ng unang batch ng toll plazas para sa isasagawang dry-run sa contactless toll collection.
Ang dalawang buwan na dry-run ay isasagawa ng TRB simula sa Sept. 1, 2023.
Kasama sa unang batch ang piling toll plazas mula sa:
– NAIAx
– Skyway Stage 1 and 2
– Skyway Stage 3
– SLEX
– Star Tollway
– MCX
– TPLEX
– NLEX
– SCTEX
– CALAX
– CAVITEX
Ayon sa TRB sa kasagsagan ng dry-run ay madaragdagan pa ang mga toll plaza na mapapasama sa implementasyon ng contactless toll collection.
Una ng inatasan ng TRB ang Tollway Concessionaires and Operators ng mga expressway na nasa ilalim ng pamahahala ng ahensya na magsagawa ng dry-run sa Contactless Program.
Ito ay bilang pasunod sa inilabas na Department Order ng Department of Transportation (DOTr) kung saan iniuutos pagkakaroon ng cashless o contactless transaction sa lahat ng sasakyan na dumadaan sa toll expressways. (DDC)