Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 156 kilometers southwest ng Palimbang, 4:05 ng madaling araw ng Lunes, Aug. 14.
May lalim na 520 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)